Tuesday, October 23, 2012

Ang Pulot-Gata sa Palawan

Honeymoon... Honeymoon... Honeymoon... Eto daw ang pinakahihintay ng bagong kasal right after the wedding... time to rest and time to baby dance... :)

Kinabukasan, June 3, eto ang schedule namin ni hubby papuntang Palawan. 'Yun kase ang napili naming lugar para sa honeymoon. So months before, nagsearch n ko sa net ng mga hotels and itinerary. Napili kong magstay sa Audissie Pension House, very affordable at hindi nmn kami binigo. Tahimik ang lugar, malinis at higit sa lahat mabait ang staff. Personal pa kaming sinundo sa airport ng anak ng may-ari. Masarap ang kanilang pagkain at talaga namang abot kaya. For 5 days 4 nights stay with Tour Packages for two (Underground River, City Tour, and Honda Bay Island Hopping) and daily breakfast, we paid Php10,600 only. Ang room namin maganda, maayos ang airconditioning, with own cabinet at may daily room cleaning pa with change of bedding and towels (oh db???).


Audissie Pension House:


31 Malvar Street, Puerto Princesa City 5300

Palawan, Philippines


Telephone Numbers:


(6348) 434-6430

(6348) 723-2899

Mobile Numbers:


+63917-568-8564

+63928-673-3110
+63929-466-3838

Email Address:


info@audissiepension.com




Ang location nila walking distance din sa palengke, park and church. Pwede kang magpasyal pasyal sa gabi kase super safe. According sa research namin at sa info from locals ang city daw nila ay may mga CCTV cameras kaya ang mga tricycle dun may body number sa bubong.


Super saya ng experience namin dito at nasakto pang Baragatan (Food Festival) parang banchetto lang sa metro manila. hehehehe...  Aside from safety, superb ang mga pagkain nila dito. First resto stop namin ang "Badjao Seafront Restaurant." From the Pension, sumakay kami ng tricycle Php50 isang biyahe at mas okay kung magpapahintay ka sa driver kase bihira ang tricycle sa lugar na un, all you need to do is pay Php150 at hihintayin k n ng driver. The best and bagoong rice nila and adobong Kangkong. We also had Grilled Tanigue and sinigang na hipon. Expenses??? Php715.00 ... super sulit!!!!




We also tried Itoy's Coffee Haus, ang mga kakaibang pangalan at timpla ng kape. Ito ang kanilang local Starbucks... :)  Another must try in Palawan.

Kung ang hanap mo naman ay Crispy Pata, KINABUCH Grill and Bar ang puntahan. The best ang crispy pata nila parang crispy but something that melts in the mouth. We also had gising gising at ang famous na kanin ni 04. Sayang nga lang at wala silang tamilok that time which we planned to try.


Ang pinaka the best sa lahat... "Kalui Restaurant" .... Sa lahat ng masasarap na kinain namin, ito ang pinaka the best experience. Ambiance??? Big 10... iiwan mo ang sapatos or slippers mo sa labas... yes, nakapaa ka pagpasok pero super linis ng sahig, pati staff nakapaa din lahat. Food??? they will get 10 from us! We ordered the set for the day for only Php395 good for two na yan. From appetizer to dessert...  I tried to check the restroom, sinulit ko ang pagpunta ko sa lugar na yun... my way to the washroom, nakita ko pa ang ibang part ng resto... super talaga ang paghanga ko, interior???? Big 11 out of 10... and the washroom??? Big 10 as well, malinis at mabango. Pinacheck ko nga kay hubby ung sa lalaki at wala din syang masabi kundi ang ganda talaga ng lugar. A super must try place in Palawan.






Aside sa mga resto, marami din night life sa Palawan and you must try crocodile sisig, kakaiba pero masarap, a bit pricey like Php320 pero sulit naman... :) And ofcourse do not forget the street foods, marami din silang kakaibang mga pagkain at masarap. :)  This 5 days experience in Palawan is always be the best... and because this is the first 5 days of our marriage life. :)












Iba Pang Larawan ng Aming Kasal































-= PASASALAMAT =-

Maraming tao ang gusto naming pasalamatan na nagbahagi ng oras, panahon, idea, at pinansyal. Sa lahat ng dumalo, sa lahat ng miyembro ng aming entourage at sa mga taga Matipunso San Antonio Quezon na nagtulong tulong sa paghahanda ng pagkain at pag aasikaso sa mga bisita namin.... Maraming salamat po sa inyong lahat.... At syempre, hindi namin maaaring makalimutang pasalamatan ang mga sumusunod:

Nanay Pury - gumawa ng aking bridal gown at kasuotan ng aking mga abay/flower girls

Ivan Maverick Oreste - soundtrack music... kahit last minute notice, ginawa p din nya... :)
Christina Oquendo - sa magandang boses... salamat sa pagkanta sa wedding ceremony
Art Biescas at Ma'am Belet - sa pangunguna sa programa
Aris Esguerra and the Band - live band sa reception
Eljay Montallana - ang aking personal coordinator
Inday and Ayie - shuttle coordinators
Tita Eya - catering at decoration ng venue
Tere Oliveros - for assisting me on everything :)
Roger and company - photography
Rostum - hair and make-up

At syempre, taos pusong pasasalamat sa Dakilang Lumikha sa pagbibigay sa amin ng ganitong pagkakataon, sa aming mga magulang na naggugol ng panahon at tulong pinansyal.


Maraming maraming salamat sa pagiging parte ng isa sa pinakamahalagang kabanata ng aming buhay. :)