SA WAKAS!!! This is the 5th time na pumunta kami ng Ongpin to shop for our wedding ring. Yes, limang beses na kaming nagpupunta dito at sa paulit ulit na store lang din naman... The last time we went there, nauwi lang sa foodtrip ang lahat. Past ten na yata ng umaga eh sarado pa rin ang mga stores na pupuntahan namin. At dahil sa hindi naman kasipagan maghintay at maglakad lakad ang h2b ko, we decided to come back na lang. We planned to come back Monday, after lunch daw para sure na bukas na lahat. At sa kainitan ng araw naimagine ko ang paglalakad namin sa kahabaan ng ongpin. Okay lang, para naman to sa singsing... hahaha. Good thing, medyo natagalan kami sa MarketMarket, dun kase nagpagawa ng barong si h2b, kaya almost 3 na ng nakaalis kami papuntang Ongpin. Sakto palubog na ang araw at hindi na ganun kainitan, pero sana abutan pa naming bukas ang mga target naming stores. Pagdating namin sa Ongpin, una naming pinuntahan ang "Wenjen Merchandise" maganda nmn ang review sa kanya at noong una namin itong binisita, maganda ang offer sa amin. Pagpasok namin sa store, busy ang lahat, at mukha nag-iba pa nga ang interior ng store. Dati kc para syang lumang tindahan na konti lang ang alahas na nakadisplay pero ngaun, maliwanag at parang dumami pati ang staff. At dahil walang pumapansin sa 'min, lumabas n lng kami; "x" mark... move tayo sa sunod na store. Next naming target ang "JA Fine Art." Medyo misteryoso sa amin ang store na 'to. Sa apat na beses kase kaming bumalik dito, lagi itong sarado pero magaganda ang feedback sa store na 'to. Affordable but the quality you can trust. "Curiosity" yan ang nagtulak sa amin na pumasok dito... Ngayon lang kase namin naabutan na bukas ang store na 'to. Pagpasok namin, isang tinderang hindi halos nagsasalita at ang pretty na may-ari ang tao dito. Pagtingin namin sa mga wedding rings naexcite si h2b kase nakakita sya ng singsing na saktong sakto sa design na gusto namin noon pa. Halos katulad ito ng bond ring namin. Ironic kase saktong sakto sya sa description na inimagine namin noon. No second thought we asked for our finger sizes and thank God kase meron available sa sizes namin. We tried to haggle at dahil super nice naman ang owner bukod sa pretty pa sya, she gave us 1,200 discount. Not bad for a pair of perfectly two-toned designed rings. At take note... Ito ang design na inimagine namin for our wedding rings... Meant to be... PERFECT!
Thanks to:
JA Fine Art
923 Ongpin Street Binondo, Manila
No comments:
Post a Comment