Thursday, March 1, 2012

-= Ang Bulungan =-

Ssshh... bulungan na!!! :D
January 22, bulungan mode: From Caloocan to Quezon then Quezon to Caloocan! Yan ang drama namin noon... Kaloka pa kase pagdating namin ng Quezon akala ko may pakasal ang nanay ko, may mahabang mesa sa labas ng bahay namin at maraming tao... Well, first time ko lang naman kase maexperience ang pamumulong sa Matipunso (syempre, ngayon lang naman ako ikakasal db?) kaya medyo shock ako. Busy mode ang lahat ng tao lalo na syempre nag punong abala.... Ang aking mahal na INA. Ganito pala ang pamumulong o pamanhikan, ang mga matatanda or I should say nakakatanda eh nakapalibot habang ang bote ng red wine ay umiikot. (take note, bote talaga ang pinagpapasapasahan namin at hindi ang baso) Astig db... kakaiba... kakaaliw... at nakakakaba... Buti na lang ang aking hubby eh sa umpisa lang ang kaba, nang maumpisahan magsalita eh tuloy tuloy naman...hehehe.. .Ayun, thank God at maayos natapos ang usapan... "Happy Ending."
with bobby and my hubby's family


Ang Usapan



Ang eksena sa labas ng bahay

No comments:

Post a Comment