Next step, binaybay naman namin ni hubby ang Quiapo para sa second invitations. Hindi lang pala sa Recto maraming gumagawa ng murang invitations, kahit dito sa Quiapo marami din. First stall: wala kaming bet... Maraming magaganda pero wala ang spark at ring ng bell akong narinig... Second Stall: may bet kami ni hubby, cute, simple and elegant kaso medyo mahal at minimum of 100 pieces dapat ang order mo... Sayang but we need to move on... :) Third stall: KABOOM!!! eto na to. Sabay pa kami magcomment na maganda ang invitation sample na 'yun at bongga! swak sa budget, kahit ilan pa ang ipagawa mo. Mabait nmn at very accommodating si Ate Mary at higit sa lahat madaling tawaran... (HEHEHE) Dito na rin kami nakakita ng third and fourth batch of giveaways para sa mga bisita.. Pati thank you card, dito na din... pati na rin signature frame dito na.. hehehe... Mas madali kaseng tawaran si ate kapag marami. Ewan ko lang kung talagang nakatipid kami, (sana naman.. :) ) Sa total na P9680, meron na kaming 80 pieces embossed style invitations, 150 pcs. personalized 4th set of souvenirs, 26 pcs. 2nd set souvenirs and 216 hard plastic thank you tags. Nakamura kaya ako????? And finally tapos na usapan sa souvenirs, start na ng gawaan but we need to wait for a month bago namin makuha. And for the invitation, kinailangan namin bumalik kinabukasan kase isusulat ko pa ang entourage ko at wala pa ang kanilang complete name. So kinabukasan, balik kami kay Ate Mary, dun na rin kami gumawa ng "anik-anik" na pwede ng ilagay sa invivation. Syempre tagalog ang drama kaya mejo mahirap mag-isip... Naisip namin ni hubby na maglagay ng words from the bible, at ito ang aming napili:
Hebreo 13:4-7
"4. Ang pag-aasawa ay marangal sa lahat at ang pagsasamahan ng mag-asawa ay walang dungis. Ngunit hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya."
"5. Ang pamumuhay ninyo ay dapat walang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo sa mga bagay na taglay ninyo sapagkat sinabi ng Dioys: Kailanman ay hindi kita iiwan at kailanman ay hindi kita pababayaan."
"6. Kaya nga, masasabi natin na may pagtitiwala; Ang Panginoon ang aking katulong. HIndi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin?"
"7. Alalahanin ninyo ang inyong mga tagapangasiwa na nagpapayahag ng salita ng Diyos sa inyo. At tularan ninyo ang kanilang pananampalataya habang minamasdan ninyo ang hangarin ng kanilang buhay."
The Best Casino In Reno? - Drmcd
ReplyDelete› › 파주 출장안마 Reno Hotels › 경주 출장마사지 › Reno Hotels Now, the Wynn 안동 출장안마 will host an annual Las Vegas-style show, 'The Dream' 제주도 출장마사지 The Wynn Hotel Las Vegas is home to several 성남 출장샵 highly anticipated high-profile acts like